ang pamimili ng kabiyak: kaibhan ng islam sa kristiyanismo
ni allych padilla
Ang mga lalaking Muslim ay may mga patakaran na kailangang sundin sa kanilang pagpapakasal. Kabilang na dito ang pagaasawa lamang ng kapwa Muslim, Kristiyano, o Hudyo. Samantala, ang mga babaeng muslim ay dapat lamang mag-asawa ng kapwa Muslim. Hindi rin pabor sa mga Muslim ang pagpapakasal ng babae bago pa yumakap ang kanyang mapapangasawa sa Islam.
Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga patakaran kaugnay sa kasal ng mga hindi Muslim:
Kaiba sa mga Muslim ang mga Kristiyano ay may kaibang paniniwala sa pagaasawa ng kaibang relihiyon. Ang mag Kristiyano ay walang mga patakaran ayon sa mga maaari nilang pakasalan, kung Muslim, kapwa Kritiyano, o Hudyo ito. Ang mga Kristiyano ay may karapatang magpakasal basta ito ay sumunod sa batas at wala silang nahahadlangan.
Kung titignan parang ang mga Kristiyano ay mayroong ganap na karapatan sa kanilang buhay, kung sino man ang nais nilang pakasalan ay maaari nilang mapangasawa. Sa mga Muslim naman ay parang ang hirap isipin na may mga patakaran pang susundin makasama lamang ang taong gusto mong pakasalan, lalo na sa lugar ng mga babae dahil kapwa Muslim lamang ang kanilang pwedeng pakasalan. Parang hindi ito makatarungan dahil wala silang magagawa kung ang taong gusto nilang pakasalan ay hindi Muslim at ayaw naman nito akapin ang relihiyong Islam.

- Kapag sabay na lumipat sa relihiyong Muslim ang mag-asawang hindi Muslim, mapapanatili ang kanilang dating kasal. Ngunit kung mayroong mga hadlang, sila ay paghihiwalayin.
- Kapag ang asawa ng babaeng Kristiyano o Hudyo ay lumipat sa relihiyong Islam, mananatili parin silang magasawa sa dati nilang kasal.
- Kung tatalikod sa Islam ang babae bago pa man sila magtalik ng kanyang asawa, mapapawalang bisa ang kanilang kasal at wala siyang karapatan na kunin ang mahr. Ngunit kung isa sakanila ay manunumbalik sa Islam, mananatiling may bisa ang una nilang kasal kung hindi sila nadiborsyo.
Kaiba sa mga Muslim ang mga Kristiyano ay may kaibang paniniwala sa pagaasawa ng kaibang relihiyon. Ang mag Kristiyano ay walang mga patakaran ayon sa mga maaari nilang pakasalan, kung Muslim, kapwa Kritiyano, o Hudyo ito. Ang mga Kristiyano ay may karapatang magpakasal basta ito ay sumunod sa batas at wala silang nahahadlangan.
Kung titignan parang ang mga Kristiyano ay mayroong ganap na karapatan sa kanilang buhay, kung sino man ang nais nilang pakasalan ay maaari nilang mapangasawa. Sa mga Muslim naman ay parang ang hirap isipin na may mga patakaran pang susundin makasama lamang ang taong gusto mong pakasalan, lalo na sa lugar ng mga babae dahil kapwa Muslim lamang ang kanilang pwedeng pakasalan. Parang hindi ito makatarungan dahil wala silang magagawa kung ang taong gusto nilang pakasalan ay hindi Muslim at ayaw naman nito akapin ang relihiyong Islam.
ang kultural na basehan ng pagpapatatag ng kasal
ni john rene dalida
Bakit nga ba ipinagbabawal ang pag-aasawa ng hindi Muslim sa Islam? Ano ba ang imahe ng mga asawang Kristiyano o Hudyo sa paningin ng mga Muslim? Nuong isinugo ni Allah si Muhammed bilang propeta, Kanyang ibinilin ang isang maayos at sistematikong lipunan kung saan ang mga tao ay may moral at walang bisyo. Upang makamit ito, kinakailangan ng lalaki na makapangasawa ng isang babaeng Muslim. Ito ay dahil mayroong mga tradisyon o pagkikilos sa mga ibang relihiyon na siyang ipinagbabawal sa Islam. Halimbawa, ang pag-inom ng alak, ang pagkain ng baboy, at iba pang ipnagbabawal sa Islam ay maaring isagawa ng maybahay sa loob ng kanilang tahanan; ang implikasyon nito ay maaaring gayahin ng anak ang mga pagkikilos na ito, kahit pa ang kanyang relihiyon ay Islam. Dahil dito, nasisira ang pagkakaayos ng sistema sa lipunang Muslim.
Karagdagan pa rito ay ang epekto ng lumalaking bilang ng mga Kristiyano at Hudyo na nakikisalamuha sa mga Muslim. Ikinakatakot ng mga Muslim na maaaring mawasak ang tradisyon at kabuuang kultura ng mga Muslim kung sakali man na payagan ang kasalang Muslim-Kristiyano. Ang asawang hindi Muslim ay maaaring magdala ng mga paniniwalang kaiba sa turo ni Allah (tulad na lamang ng pagsusuot ng maiikling damit) na siyang maghahantong sa pagkasira ng katuruan ng Q'uran.
Subalit hindi ibig-sabihin nito ay wala ng nagaganap na kasalan sa pagitan ng mga Kristiyano at Muslim. Ayon sa Caritas, isang Katolikong ahensya, mayroong ilang kababaihang Katoliko na nag-aasawa ng Muslim sa Italya, at lumalaganap pa sa kabuuang Europa. Kahit pa isinasaad ng pangkalahatang kautusan na "bawal ang pag-aasawa ng hindi Muslim", ang mga lalaking Muslim ay maaari pa ring mag-asawa ng labas sa kanyang relihyon, basta't siya ay Kristiyano o Hudyo. Habang hindi kinakailangan na sumunod sa kautusan ng Q'uran ang babaeng napangasawa, hindi siya maaaring dumalo sa mga aktibidad na pagsamba ng kanyang asawang Muslim. Sa lagay naman ng babaeng Muslim, hindi siya pinapayagan na mag-asawa ng lalaking hindi Muslim (tanging papayagan lamang ang kasal kung ang lalaki ay magbabagong-loob sa Islam).
Pagdating naman sa mga Kristiyano, hindi man hinihimok ng simbahan ang "mixed marriages", hindi rin naman nila ipinararamdam sa mga ito na mali sila. Sa mga Katoliko, halimbawa, mayroong dalawang lebel ng kasal: isang legal sa mata ng simbahan, at ang isa naman ay kung ito ba ay isang sakramento. Kung parehong mag-asawa ay Kristiyano, maaring ituring ang kasal bilang sakramento, subalit kung ang isa ay hindi Kristiyano (i.e. Hindu o Buddhist), maituturing lamang na legal sa mata ng simbahan ang kasal. Matapos ang kasalan, hinihimok ng Kristiyanong simbahan na mapalawig ang espiritwal na pag-usbong ng kasal. Tinutulungan din ng simbahan ang mga mag-asawa na maghanda para sa mga pagsubok na kahaharapin nila upang mapanatiling banal ang kanilang kasal.
Bagkus kung ang kasal ay isang simbolo ng tunay at wagas na pag-ibig, maging ang relihiyon ay walang magagawa. Subalit kung ang mga magsing-irog ay may malalim na pagpapahalaga sa kulturang kanilang binibitbit mula sa kanilang relihiyon, marahil ay magiging isang malaking pagsubok ang desisyon sa pag-aasawa para sa kanila.