usaping theolohiya: ang free will sa islam
ni john rene dalida
Masasabing ang konsepto ng kalayaan ng kalooban (free will) ay isang malaking diskusyon para sa mga iskolar ng theolohiya. Ayon kay Punsalan (2013), ang will ay nangagahulugan ng kapangyarihang mamili. Kanyang idinagdag na ang will ay biyaya ng Lumalang sa atin, at inaasahan na habang tayong namimili ng desisyon ay maalam din tayo sa mga responsibilidad na ating pinipili.
Gayundin naman, ang mga Muslim ay may sariling bersyon ng theolohiya na siyang tinatawag na kalam. Mula sa disiplinang ito ay umusbong din ang diskurso ng free will. Mula sa pagkakaiba-iba ng paniniwala ay nabuo ang dalawang pangkat na may magkasalungat na prinsipyo ukol sa free will. Ito ay ang Mu'tazila at Qadariyya (mga tagasuporta ng free will), at ang Jabriyya (naniniwalang walang free will ang tao). Sa isinasaad ng unang grupo, sila'y naniniwala hindi makatwiran kung paparusahan ni Allah ang tao kung sakali man na wala siyang malayang pag-iisip sa kanyang mga kinikilos; bagkus ang tao ay dapat mayroong karapatan na gumagawa ng sarili niyang kilos. Samantala, ang kabilang grupo naman ay naniniwala na si Allah ang tanging tagagawa at tagakilos, kung kaya't walang kapangyarihan ang tao upang mamili ng kanyang ikikilos.
Mula sa mga magkatunggaling prinsipyong ito, saan nga ba pumapasok ang malayang pag-iisip ng mga Muslim pagdating sa pagpili ng kanilang mapapangasawa? Kung susuriin ang mga alintuntin ng Q'uran, masasabing limitado lamang ang kalayaan ng mga Muslim, lalo na ng kababaihan, sa pagpili ng kanilang magiging asawa. Ipinagbabawal ng Islam ang pag-aasawa ng hindi Muslim, partikular na ng mga taong hindi nagnanais na magbagong-loob sa Islam.
Tunay nga na kultural ang konsepto ng pag-aasawa sa Islam. Kung gagamitin ang perspektibo ng Kristiyano, marahil ay mahihirapan tayong intindihin ay kanilang batas. Subalit may mga dahilan ang mga Muslim kung bakit nila ito sinusunod, partikular na ang pagbabawal sa kasalan ng magkaibang relihiyon. Mula dito ay sisiyasatin ng buong blog ang mga aspekto na siyang magpapaliwanag sa kanilang kultura, kasama na rin ang personal na pagbabahagi ng mga mananaliksik ukol dito.

respeto: prinsipyo sa pag-aasawa
ni irish marie elmido mercado
Kapag pinaguusapan ang batas sa kasalang Muslim, isa marahil sa pinakaalam nating mga batas na ito ay ang pagbabawal sa mga kababaihan na mag-asawa ng hindi Muslim. Sa kabilang banda, ang mga kalalakihan naman na magaasawa ng isang babaeng hindi muslim (ngunit pwede ang Kristiyano o Hudyo) ay kailangang kumbinsihin ang kanyang magiging asawa na magpabinyag bilang isang Muslim. Marahil na sa kanilang relihiyon ay normal lang ang batas na ito pero sa pananaw ng mga taong hindi nasasakupan ng mga kautusan ng Koran, ito ay isang paraan ng pag-aalis ng kalayaan at karapatan para sa mga kababaihan ng lipunan.
Alam naman natin na parehong mahalaga ang pagmamahalan at relihiyon pero may isang salita na naguugnay sa dalawang ito- RESPETO. Respeto sa relihiyon ng bawat isa at respeto sa desisyon ng iyong minamahal. Sa aking palagay para sa unang isyu, bilang isang babaeng lumaki sa turo ng Bibliya, hindi tama na kailangang kontrolin ang mga kababaihang Muslim na umibig lamang sa lalakeng Muslim. Una, ang pag-ibig ay walang batas. Hindi mo kailanman madidiktahan ang puso kung sino man ang dapat ibigin nito maging ano man ang relihiyon mo. Ipagpalagay natin sa isang sitwasyon, makakapagasawa ka nga ng Muslim pero sa huli naman ay mauuwi rin sa diborsyo sapagkat di ka masaya sa inyong buhay mag-asawa. Hindi ba’t mas mabuti na makapagasawa ka nga ng hindi Muslim na lalake pero tatagal naman ang relasyon niyo sapagkat masaya kayo sa isa’t isa? Ang nais ko lamang na ipunto rito ay dapat, sa pagmamahal ay hindi nasasakupan ng batas ng relihiyon. Dapat ay imbis na pigilan ang mga kababaihang Muslim na makihalubilo sa mga kalalakihang hindi Muslim, dapat ay hinahayaan lamang sila sapagkat sa mga relasyong katulad nito ay nagkakaroon ng dibersyon at magiging isa itong daan tungo sa pagkakaintindihan ng relihiyong Muslim at ng iba pang relihiyon.
Sa pangalawang isyu naman, hindi rin sapat na kadahilanan para sa isang babaeng hindi Muslim na magpalit ng kanyang relihiyon sapagkat iyon ang iniuutos ng relihiyon ng kanyang napangasawa. Lalo na kung sapilitan at labag sa kagustuhan ng babae. Diba nga’t ikaw ay magpapakasal sapagkat mahal mo ang tao, nirerespeto mo ang kanyang mga kagustuhan at tanggap mo kung ano ang kanyang mga pinaniniwalaan? Kaya’t di ko makita ang punto ng pagpapalit ng relihiyon kung labag naman ito sa kagustuhan ng babae. Dapat siguro ay imbis na palitan ang relihiyon ay tanggapin at respetuhin na lamang ng bawat isa ang kani-kanilang napiling relihiyon. At dito rin mapapatunayan ng dalawang taong nagmamahalann kung tunay ba ang kanilang samahan sa pagpapakita ng respeto at pagtanggap sa pinaniniwalaan ng isa’t isa.
Lahat lahat, ito’y opinyon ko lamang sapagkat naniniwala ako sa konsepto ng “free will” at napakahalaga nito sa isang tao sapagkat siya lamang ang maaaring gumawa ng desisyon para sa sarili niya at walang iba pa. Pero sa kabilang banda, hindi rin natin dapat husgahan ang mga kautusang Muslim sapagkat iba sila, iba tayo, magkakaiba tayo ng paniniwala. Ang pinakaimportanteng punto lamang na nais kong bigyan ng pansin ay ang pagkakaroon ng “free will” sapagkat ang kaisipang ito ay hindi kailanman dapat makontrol ng kahit anong aspeto ng pamumuhay maging ito man ay relihiyon. Tanging ang tao lamang ang dapat gumagawa ng desisyon ng kanyang buhay.